Uploaded by:
Sing and performed by: Butch Charvet
Press the play button to start the video.
Tugon by Butch Charvet - OPM Christian Songs Lyrics
Makulimlim ang panahon
At di humuhuni ang ibon
Dumarating at nananaghoy
Puso mong di naghihilom
Sa pagdating ng bukang liwayway
At wala sa'yong dumaramay
Lalo lang nauupos
Ang pag-asang dati ng kapos
Kay hirap nang unawain
Ang pusong nasisikil
Tila ba walang pagasa
Tila ba mundo'y nagunaw na
Ang nais ko ika'y mapansin
Ang yong damdami'y intindihin
Lalo lang lumalabo
Pagkat sila'y lumalayo
Ang tao nga'y sadyang ganyan
Minsa'y di na nga makaramdam
Ang nais mong ipabatid
Diyos na lang ang nakababatid
Kay hirap mang unawain
Ang tao minsa'y sakim
Ito'y di mo makakayanan
Kung si Hesus hindi mananahan
Sa puso mong tigang
Makulimlim ang panahon
At di humuhuni ang ibon
Dumarating at nananaghoy
Si Kristo ang iyong tugon
Ang puso mong di naghihilom
Si Kristo ang iyong tugon
Hindi ka man napapansin
Si Kristo ang iyong tugon
0 Comments
Do not spam or post unrelated comments. They will be deleted immediately. Thanks!