Title: Aanhin Pa Ang Pag-Ibig
by: Kathleen Roces
Music video via Youtube:



Aanhin Pa Ang Pag-Ibig Kathleen Roces Lyrics

Ano bang dahilan bakit ako ‘yong iniwan
Hahayaan mo na lang bang masayang ang sinimulan
Sabihin mo sa akin kung saan sa iyo ay nagkulang
Upang malaman ko agad ang aking kamalian

Hindi ko na makakaya
Ang mundong ito kung mawawala ka
Aanhin pa ang pag-ibig kung nag-iisa’t sawi
Luha na lang lagi sa akin hatid

Laging nagtatanong puso kong nalilito
Di malaman kung ito ay pagsubok lang ng mundo
Bakit nagkaganito ang nangyari sa buhay ko
Puso kong nagdurugo buhat nang iwanan mo

Hindi ko na makakaya
Ang mundong ito kung mawawala ka
Aanhin pa ang pag-ibig kung nag-iisa’t sawi
Luha na lang lagi sa akin hatid

Luha na lang lagi sa akin hatid

Hindi ko na makakaya
Ang mundong ito kung mawawala ka
Aanhin pa ang pag-ibig kung nag-iisa’t sawi
Luha na lang lagi sa akin hatid

Aanhin pa ang pag-ibig kung nag-iisa’t sawi
Luha na lang lagi sa akin hatid